Monday, May 30, 2016

Paano nga ba kumita sa Stocks(Philippine Stock Market)?




May iba't ibang paraan upang kumita sa stock market. Ang napaka-basic ay ang tinatawag na Price Appreciation , na kung saan ay ang pagkakaiba sa pagitan ng kasalukuyang presyo ng isang stock at ang presyo una mong binili ito. Kung, halimbawa , taon na ang nakakaraan bumili ka ng ALI (Ayala Land) share sa halagang  P20.00 at ang halaga ngayon ay umabot na sa  P50.00 ,kumita ka ng P30.00 bawat share mo sa ALI stock.



Ang isa pang paraan ng kita ay Dibidendo(Dividend). Ito ay ang pamamahagi ng mga kita ng kumpanya sa kanyang shareholders. Dividends ay maaaring sa anyo ng cash o stock.

Dibidendo ay ang pera na  ipinamamahagi ng isang kumpanya sa kanyang shareholders. Kapag ang isang kumpanya ay kumita , ito ay maaaring magpasya upang mag bahagi ng kanilang kita sa mga may-ari ng kumpanya  at isa ka dito sa may ari, dahil shareholder ka ng kumpanya.


Ang isa pang paraan upang kumita ng pera sa mga stock ay sa pamamagitan ng mga Stock rightsStock rights ito ay  option na ibinigay sa kasalukuyang shareholders upang bumili ng karagdagang stocks ng kumpanya sa isang presyo na mas mababa kaysa sa merkado. Maari ka ng magbenta ng iyong mga stocks kung sa tingin mo ay kumita ka na.





Sunday, May 29, 2016

Paano Magbukas ng COL Financial Account Online?

Paano Magbukas ng COL Financial Account nang hindi na kailangan pa na magpunta sa head office ng COL sa Philippine Stock Exchange Center sa Ortigas. Ang bawat isa ay kaya na itong gawin dahil sa madali na lang ang proseso kahit pa ikaw ay malayo o nasa ibang bansa.



Mga Gagawin:

  1. Gumawa ng email account mas maganda kung gmail account ang gawin ninyo.
  2. Kumuha ng TIN o Tax Identification Number. Pwede na rin mag apply online Apply here
  3. Magbukas ng Bank account (Metrobank, BDO or BPI)
  4. Click this link Para sa kumpletong detalye kung paano at ano ang mga kailangan pa sa pag aaplay sa COL.
Mag iwan na lng ng mensahe kung may mga katanungan...God bless!!!

Tuesday, May 24, 2016

Mga Pangunahing kailangan sa Pamumuhunan sa Stock Market



Bago mag mag-invest sa stock market kailangan mo munang ihanda ang iyong sarili at mag-invest ng mga pangunahing kaalaman tungkol sa kung ano ang makukuha mo at  kung ano ang mga dapat mong isaalang-alang:



Ang mga kailangan sa pamumuhunan:

  1. Karunungan - Mamuhunan ng sapat na kaalaman tungkol sa pamumuhunan. Magtanong at magsaliksik kung ano ang mga posibilidad na mangyari kapag namuhunan. Marami ng mga website at mga video tutorials ang nagtuturo kung paano ang tama at paano maiwasan ang peligro sa pamumuhunan sa stock market.
  2. Laging tandaan na ang lahat ng mga pamumuhunan ay may panganib - Kaya alamin mo kung anong klase kang investor, ikaw ba ay - konserbatibo, katamtaman, at agresibo pagdating sa pamumuhunan.
  3. Plano -  Ikaw ba ay maglalagay ng isang malaking bahagi ng iyong regular na kita sa investment? Tingnan ang inyong pinansiyal na kalagayan at gumawa ng isang plano.


Monday, May 16, 2016

Pamumuhunan o Investing




Ito ay pagpapasya sa pag gamit ng pera upang umasa na lumago o kumita pa ng maraming pera basi sa isang long term goal.

Ibig sabihin ang pamumuhunan ito ay isang Commitment, dahil hindi ito panandalian o sandali lang, kung hindi ito ay isang mahabang proseso. Na umaasa at nananalangin ka lang dahil hindi ka talaga nakakasiguro. At natatawag lang itong investing kapag ito isang long term goal. Halimbawa, kapag ang pera ninyo na gusto ninyong palaguin ay gagamitin ninyo sa sususnod na taon ito ay hindi matatawag na investing maaring for safe keeping na lang. So, kailangan sa isang mamumuhunan ay ang isang mahabang panahon o isang long term goal.

Ano nga ba ng pangunahing alituntunin sa pamumuhunan?

1. Kapag kayo ay magpapalago ng inyong pera o mamumuhunan ay kailangan na iwasan dapat ang mga talunan. Isang halimbawa dito ay ang mga illegal networking, Multi-level marketing, pyramiding at iba’t ibang schemes na kumakalat ngayon, kung saan klaro na delikado ang katayuan ninyo at huwag na subukan pang pasukin.

2. Kailangang laging iisipin din na ang pamumuhunan ay “The higher return, the higher the risk”. Pero hindi ito dapat hadlang o katakutan ang risk na ito, dahil sa risk na ito ditto mo kikitain o ito ang susi para lumago pa ang inyon pera. Ganunpaman, dapat pag aralan at saliksikin ang kung paano at anu ano ang mga dapat gawin sa isang risk para mapangasiwaan kung paano ito ma minimize o maiwasan.



3. Maging magpasensya o be patient in investing, kaya dapat invest in long term goal. Dahil ang panahon o time ang isa sa nagpa pababa ng peligro o risk in investing at nagbibigay ng chance sa isang malaking kita.

4. At panghuli laging iisipin at huwag kalimutan na kapag namumuhan tayo at kung saan mo man ito ilalagay (Stock market, Bangko, Negosyo at iba pa) laging paka tandaan kung bakit ka namuhunan. Ibig sabihin ang ano ang iyong LAYUNIN, KAILAN ninyo ito kakailanganin at MAGKANO ba ang gusto ninyong aabutin ng pera ninyo. Kailangan na mag set ng goals para may patutunguhan o inspirasyon ang inyong ginagawa




Ang tamang pag iipon ng Pera

Ang pag iipon ng Pera ay isa mga tungkulin o gawain na mas madaling sabihin o gawin. Kahit pa alam natin na isa itong maganda o matalinong paraan para sa ating kinabukasan.
At minsan ang pinaka mahirap na bagay pagdating sa pag iipon ay papano ito simulan.

Mga hakbang paano ang isang magandang pag iipon:

  • Sahuran , bayaran muna ang ating mga sarili. Ito ay ang pinaka magandang paraan upang makapag ipon. Laging tatandaan na kailangan na mag plano para sa ating kinabukasan dahil darating ang panahon na tayo ay tatanda rin at hindi na makapag trabaho pa. Kaya sa pamamagitan ng pagbibigay sa sarili natin ng porsyento sa ating kinikita ay makakatulong ito sa ating mga sarili. Ang magandang paraan ay ang 10-20-70 formula. 10% sa ating kita ay para sa Panginoon, 20% para sa ating sarili at 70% para sa lahat na gastusin at iba pa. Makakamit lamang itong formula na ito kapag nakuha na nating i disiplina ang ating mga sarili.
  • Isulat ang lahat ng mga gastusin, ay isa sa mga hakbang sa pag iipon ng pera upang malaman kung magkano ang ating ginagastos sa isang buwan. Simula sa pinaka maliit na detalye ay mahalaga na maisulat o ma i rekord ang mga ito para alam mo kung saan napupunta ang iyong pera. Sa sandaling mayroon ka ng data ,ayusin ang mga  ito sa pamamagitan ng pag kategorya -halimbawa , gas , groceries , at iba pa- at kunin ang kabuuang halaga nito.                                            
  • Gumawa ng Budget. Ngayon na may ideya kana kung magkano ang iyong ginagastos sa isang buwan, kailangan na gumawa ka ng isang budget plan upang planuhin ang iyong gastusin kung ito ba ay mahalga o kailangan ba talaga basi doon sa iyong kinikita. Minsan kasi, mas malaki pa ang pinag gagastusan kesa kinikita.                                                                                                     
  • Magtakda ng mga layunin sa pag iipon. Pwedeng gumawa ng dalawang kategorya kung bakit ka mag iipon. Una, ay ang short term goal, mo na madalas ay 1 hanggang 3 taon. kasama dito ay ang mga sumusunod:
    • Emergency Fund - kung sakaling mawalan ka ng trabaho ay may mapag kukunan ka ng pera.
    • Sasakyan -  Para magamit mo personal o sa inyong negosyo
    • At kung gusto mo magbakasyon kung saan man ay dapat kasama ito sa mga future plan ng pag iipon para hindi ma compromise ang inyong budget. 
    • At iba pang mga bagay na gusto mo in the future ay kailangan itong i consider na. 
      • Pangalawa ay ang Long term goal:                                     
    • Pag ipunan ang para sa iyong pag reretiro
    • Pag ipunan din ang para sa edukasyon ng mga bata
    • at pwede rin na pag ipunan ang pagkakaroon ng sarili bahay at lupa.
  • Magpasya sa inyong mga prayoridad. Bawat isa ay may kanya kanyang prayoridad pag dating sa pag iipon. Kaya kailangan mag pasya kung alin ang mas pinaka importante sa lahat na dapat pag tuonan ng pansin sa pag iipon. Kasama sa pagpapasya kung gaano katagal ang pag iipon at kung magkano ang nais mong ipunin para sa isang layunin. Laging tatandaan na iayos ang mga ito ayun sa prayoridad at kailangan ang focus upang ang isang layunin ay maabot.
  • At mag aral kung paano mag invest o mag negosyo upang madagdagan pa ang kinikita.