Monday, May 16, 2016

Ang tamang pag iipon ng Pera

Ang pag iipon ng Pera ay isa mga tungkulin o gawain na mas madaling sabihin o gawin. Kahit pa alam natin na isa itong maganda o matalinong paraan para sa ating kinabukasan.
At minsan ang pinaka mahirap na bagay pagdating sa pag iipon ay papano ito simulan.

Mga hakbang paano ang isang magandang pag iipon:

  • Sahuran , bayaran muna ang ating mga sarili. Ito ay ang pinaka magandang paraan upang makapag ipon. Laging tatandaan na kailangan na mag plano para sa ating kinabukasan dahil darating ang panahon na tayo ay tatanda rin at hindi na makapag trabaho pa. Kaya sa pamamagitan ng pagbibigay sa sarili natin ng porsyento sa ating kinikita ay makakatulong ito sa ating mga sarili. Ang magandang paraan ay ang 10-20-70 formula. 10% sa ating kita ay para sa Panginoon, 20% para sa ating sarili at 70% para sa lahat na gastusin at iba pa. Makakamit lamang itong formula na ito kapag nakuha na nating i disiplina ang ating mga sarili.
  • Isulat ang lahat ng mga gastusin, ay isa sa mga hakbang sa pag iipon ng pera upang malaman kung magkano ang ating ginagastos sa isang buwan. Simula sa pinaka maliit na detalye ay mahalaga na maisulat o ma i rekord ang mga ito para alam mo kung saan napupunta ang iyong pera. Sa sandaling mayroon ka ng data ,ayusin ang mga  ito sa pamamagitan ng pag kategorya -halimbawa , gas , groceries , at iba pa- at kunin ang kabuuang halaga nito.                                            
  • Gumawa ng Budget. Ngayon na may ideya kana kung magkano ang iyong ginagastos sa isang buwan, kailangan na gumawa ka ng isang budget plan upang planuhin ang iyong gastusin kung ito ba ay mahalga o kailangan ba talaga basi doon sa iyong kinikita. Minsan kasi, mas malaki pa ang pinag gagastusan kesa kinikita.                                                                                                     
  • Magtakda ng mga layunin sa pag iipon. Pwedeng gumawa ng dalawang kategorya kung bakit ka mag iipon. Una, ay ang short term goal, mo na madalas ay 1 hanggang 3 taon. kasama dito ay ang mga sumusunod:
    • Emergency Fund - kung sakaling mawalan ka ng trabaho ay may mapag kukunan ka ng pera.
    • Sasakyan -  Para magamit mo personal o sa inyong negosyo
    • At kung gusto mo magbakasyon kung saan man ay dapat kasama ito sa mga future plan ng pag iipon para hindi ma compromise ang inyong budget. 
    • At iba pang mga bagay na gusto mo in the future ay kailangan itong i consider na. 
      • Pangalawa ay ang Long term goal:                                     
    • Pag ipunan ang para sa iyong pag reretiro
    • Pag ipunan din ang para sa edukasyon ng mga bata
    • at pwede rin na pag ipunan ang pagkakaroon ng sarili bahay at lupa.
  • Magpasya sa inyong mga prayoridad. Bawat isa ay may kanya kanyang prayoridad pag dating sa pag iipon. Kaya kailangan mag pasya kung alin ang mas pinaka importante sa lahat na dapat pag tuonan ng pansin sa pag iipon. Kasama sa pagpapasya kung gaano katagal ang pag iipon at kung magkano ang nais mong ipunin para sa isang layunin. Laging tatandaan na iayos ang mga ito ayun sa prayoridad at kailangan ang focus upang ang isang layunin ay maabot.
  • At mag aral kung paano mag invest o mag negosyo upang madagdagan pa ang kinikita. 

No comments:

Post a Comment