Profit



Paano ba kumita sa pag invest sa Stock Market?






  1. Kailangan magkaroon ng Plano sa pag iinvest - Planuhin ang iyong pamumuhunan at magpasya tungkol sa iyong mga layunin.
  2. Sundin ang iyong Plano -  Ipatupad ang iyong mga plano at diskarte hanggang naabot mo ang iyong target.
  3. Huwag matakot kung bumaba man ang market - Dahil ito ang katotohanan na ang market ay isang "volatile" kung tawagin, ito ay tumataas at bumababa. Subalit ito ay subok na sa mga pag aaral lalong lalo na sa Pilipinas na pataas talaga ang takbo nito.
  4. Mas Maaga mas Maganda - Huwag ang sayangin ang oras o panahon dahil ito ang iyong kakampi sa paglago ng inyong puhunan.
  5. Huwag ubusin ang lahat ng pera sa pumumuhunan - Kung maari 20% lang sa inyong kinikita ang mapupunta sa Stock Market. Diversify kung tawagin maghanap pa ng pwedeng pag lagakan ng pera para kung nagkamali ka sa isa ay may isa ka pa na tatakbo.
  6. Piliin ang tamang Stocks - Kailangan mag aral. mag tanong tanong at mag obserba sa mga nangyayari sa loob ng market. Para sigurado ka sa mga pinili mong stocks at mababawasan ang tinatawag na risk ng stock market.
  7. Ibenta mo ang iyong mga stock kapag naabot mo ang target -  gamitin ang iyong kita upang bumili ng iba pang mahusay na mga stock. 




No comments:

Post a Comment