Tuesday, June 7, 2016

Mga paraan upang Mapalaki ang inyong Personal na Pinansyal





1. Magsimula na Ngayon 
Ang pag iipon ay hindi isang opsyon , ngunit isang priority. Ito ay mahalaga na simulan mo ngayon sa halip na bukas. Tandaan na ang oras ay mahalaga. Kung mag-aaksaya ka ng oras, ay nag-aaksaya ka din ng pera.

 2. Iwasan ang mga Utang
Upang epektibo sa personal na pananalapi dapat ay iwasan ang mga utang na hindi importante. Kung sa tingin ito hindi na kailangan huwag na mangutang. At kailangan ang lahat na mga utang kung mayroon man ay dapat na mabayaran para makapag isip ng maayos at magsimula sa pagpa plano tungkol sa pag iipon at pag gastos.                                                                                                                           
3. Alamin ang mga nais(Wants) at pangangailangan(Needs)
Kasabay ng pag iwas sa mga utang at pag plano sa mga gastusin, kailangan ay alamin mo kung ano ba yung mga nais mo at mga pangangailangan sa buhay. Dito ay malalaman mo at maiintindihan ang tamang paraan ng pag gastos at pag iipon.         
                                                              
4. Huwag Gumastos na lampas sa inyong kinikita
Alamin kung paano, upang planuhin ang iyong badyet at manirahan dito. Huwag maghangad ng malaking kita para lang gumastos ng higit pa. Kailangan paghandaan ang kinabukasan dahil hindi sa lahat ng oras ay kumikita ka, darating ang panahon na tatanda tayo at hindi na makapag trabaho at wala na ring pumapasok na kita.

5. Bayaran muna ang sarili
Ito ay mahalaga na sa kabila ng iyong mga gastos at mga pangangailangan , dapat mo ring bayaran ang iyong sarili ng hindi bababa sa isang minimum na 20% ng iyong take-home pay. Kung ikaw ay may isang kita ng P10,000 bawat buwan , dapat mong magkaroon ng hindi bababa P2000 savings buwanang. Regaluhan at mag ipon para sa sarili para sa iyong kinabukasan.



6. Maging Responsable
Mag aral tungkol sa paano pangasiwaan ang iyong pinansyal. Kailangan mong malaman kung paano pamahalaan ang iyong mga pananalapi nang naaayon. Dahil ito isang epektibo na hakbang para sa ikauunlad ng iyong pinansyal.

7. Mag ipon at Mamuhunan
Ang iyong pinansyal ay tulad ng isang puno. Kapag nag ipon at namuhunan ka ito ay lalago at magkakaroon ng dagdag kita. Ngunit tulad din ng isang puno, kung hindi mo ito aalagaan, ito lalanta at mag lalaho. Maari mong ilagay ang iyong kita sa isang maganda at legal na investment o emergency fund.

8. Protektahan ang iyong mga pananalapi
Hindi mahalaga kung gaano ka kayaman , ikaw ay hindi ligtas mula sa isang pinansiyal na krisis. Kailangan mong malaman kung paano protektahan ang iyong mga pananalapi sa pamamagitan ng mga insurance. Gamit ang magagandang kumpanya maaari mong protektahan ang iyong ari-arian, at kahit na ang iyong kalusugan sa panahon ng kagipitan o hindi maiiwasang mga pangyayari.

9. Magtakda ng mga layunin sa buhay
itakda ang iyong layunin alinsunod sa iyong lifestyle. Ano nga ba ang mga target o gusto mong mangyari sa iyong buhay, dahil ito ay iyong magiging gabay.

10. Matutong Magbigay
Laging magpapasalamat para sa iyong mga biyaya sa buhay. Maaari kang magbigay sa mga charity, sa anumang paraan tulad ng pagbibigay ng donasyon o pagbibigay ng serbisyo.


Savings Tip : 
Best Financial Formula

INCOME - 10%Tithes - 20%Savings = Expenses






No comments:

Post a Comment