Sunday, June 26, 2016

Mutual Fund



Ano ang Mutual Fund?



Isang uri ng investment instrument kung saan ang pera ng mga investors (individual o corporate investors) ay pinagsasama-sama (pooled funds) at ito ay pinangangalagaan at inilalagak ng tinatawag na "fund manager"sa iba't ibang klase ng investments gaya ng stocks, bonds, money market at iba pa upang lumago ang pera ng mga nag iinvest dito.

Paano ba gumagana ang Mutual Fund?

Halimbawang may 1,000 pesos ka at gusto mong mag invest. Ang maliit na puhunang ito ay maaring makabili lamang ng 1 share sa isang company stock at mataas ang risk ng 1 stock na ito. Kung may 10, 000 pesos ka at nag invest ng tig 1,000 sa sampung magkakakibang stocks, naikalat mo ang risk sa sampung kumpanyang ito. Kung 1,000 tao kayo na nag invest pare pareho ng 10,000 pesos, kayo ay may suma total na 10 milyon pesos at ang malaking halagang ito ay mapapalawig ng inyong investment choices. 

Sa Mutual Fund, para kang sumakay ng isang bus, at kasama mo ang ibang pasahero na pareho din ng ruta na pupuntahan mo. Gaya din sa Mutual Fund na kung saan ang mga investor ay ang mga pasahero ng bus at ang Fund Manager ang driver nito. Ipinagkatiwala natin sa ating drayber ang ating distinasyon, gaya ng pagtititwala natin sa Fund Manager ng ating pera upang maging ligtas at lumago ang halaga nito.

Kategorya ng Mutual Fund


Paano kumita sa Mutual Fund?


Ang kabuuang pondo ng Mutual Fund ay hinahati hati sa maliit na bahagi ayon na rin sa dami ng nag iinvest dito at tinatawag ito na "share. Ang bawat share ay may kaukulang halaga at tiantawag na Net Asset Value Per Share o NAVSP (kinakalkula araw araw base sa kabuoang halaga ng pondo hinati sa sumatotal ng outstanding shares). Maari tayong kumita sa Mutual
fund sa pamamagitan ng tinatawag na Price Appreciation.















No comments:

Post a Comment